Sunday, October 13, 2013

4 Sister and A Wedding


Teodora “Teddie” Salazar played by Toni Gonzaga. I know may very, very slim percentage na mababasa niya ito pero sasabihin ko na rin. I think Toni’s a great TV host, an intelligent person, and a good actress. Pero hindi ako masyadong natutuwa sa mga past projects niya. Pero, man! Siya ang revelation para sa akin sa pelikulang ito. It was like this role was written just for her. I can’t imagine another person playing Teddie.
Si Teddie ang panganay na anak. Halata rin na siya ang paborito ng nanay nila na na-establish sa mga eksenang nagpalingon sa akin sa mga kapatid kong kasama kong nanonood. Lahat naman kasi ng magulang ay may kani-kaniyang paborito. Sa Espanya nagtatrabaho si Teddie. Sa pagkakaalam ni Grace ay isa siyang teacher. Pero may lihim si Teddie at dahil dito ay kinailangan niyang isama si Frodo (Janus Del Prado) pauwi at ipakilala bilang boyfriend.
 “Teddie” Salazar played by Toni Gonzaga

 Roberta “Bobbie” Salazar played by Bea Alonzo. I’ve always loved Bea Alonzo. Kay Tagal Kang Hinintay is still my favorite Pinoy drama series, ever at malaking part noon ang pagganap niya bilang Katrina. One More Chance and The Mistress are two of my favorite Pinoy films and she plays the lead in both. Kaya inasahan ko nang magiging mahusay ang pagganap niya sa role na ito.
Bobbie is based in New York. Masasabing siya ang pinaka-successful career-wise sa magkakapatid. Pero gaya ng lahat ng kilala kong strong, empowered, women ay puso ang pinag-uugatan ng problema niya. She has a long-time boyfriend, Tristan (Sam Milby) who is a single dad with a bratty daughter. Gusto nang magpakasal ni Tristan, pero si Bobbie ang tumatanggi. Sumama ang mag-ama sa pag-uwi ni Bobbie para sa kasal ni CJ. Dito nila makikita firsthand ang pinag-ugatan ng mga issue ni Bobbie kasama na ang obvious na favoritism ng kaniyang ina.
Roberta “Bobbie” Salazar played by Bea Alonzo
 Alexandra “Alex” Salazar played by Angel Locsin. Sa apat, si Alex ang “black sheep.” Habang ang tatlo ay focused sa pagiging mahusay sa pag-aaral at sa mga karera nila, si Alex ay umeextra bilang Assistant Director sa mga pelikula. At siyempre, para buo ang imahe bilang rebelde, mayroon din siyang douchebag boyfriend, si Chad (Bernard Palanca). Alex and Bobbie had a falling apart at obvious ang distaste nila sa isa’t-isa early into the movie.
Angel’s portrayal reminded me a lot about her Click days. Siguro dahil may pagkakapareho ang personality ni Charlie at ni Alex. Pero I liked it dahil I enjoy seeing her play these type of roles over the girly-girl ones.
 Alexandra “Alex” Salazar played by Angel Locsin
 Gabriela “Gabby” Salazar played by Shaina Magdayao. Sa apat na artista who played the Salazars, si Shaina palang ang hindi talaga nabibigyan ng full-length lead role. Pero hinding hindi yun dahil sa kakulangan ng talent on her part. She’s really great. Talagang di lang laging nacoconvert into opportunities ang talent. Medyo natakot ako para sa kaniya dahil baka ma-overshadow siya nung tatlo. Pero hindi ganoon ang nangyari. I loved the way that she played Gabby. She got the role down to the last detail. I loved the “grr” noise she made when she got stressed. I also liked how she modulated her voice to fit in sa papel niya bilang conserbatibo na si Gabby. Hanga ako sa kaniya dahil sa tingin ko ay siya ang may pinakamalaking pagkakaiba ng totoong personality vs. the character’s.
Gabby is the “old maid” at tagapangalaga ng kanilang ina at ni CJ nang nag-move out ang mga Ate niya. Siya rin ang tiga-balanse sa mga personalidad ng mga ate niya. At alam kong hindi madali ang papel na yun. Bahagi ng internal issues ni Gabby ang pagtingin niya na hindi siya kasing-husay ng iba pa niyang kapatid. Hindi niya rin maiwan ang kanilang nanay dahil mahina na ito.
Gabriela “Gabby” Salazar played by Shaina Magdayao

v

No comments:

Post a Comment

All photos are copyrighted and cannot be used without the author's consent. For photo request please contact me thru markgacer.photography@gmail.com